Niyakap ko rin naman siya nang mahigpit. “I love you, too, Bessie!”
Sa halip na umuwi na kaagad ay naupo muna ako sa isang bench sa tapat ng ospital. Nag-isip-isip ako.
“You have brain cancer, Midori. At malala na ‘to.”
Naalala ko na naman yung sinabi sa ‘kin ng doktor kanina. May brain cancer daw ako at malala na ito. Ito pala ang dahilan ng madalas na pagkahilo ko noong high school pa lang ako. Ito pala ang dahilan kung bakit bigla na lang nawawala ang pandinig ko kung minsan. Ito pala ang dahilan ng iba’t ibang ka-weirdohang nagaganap sa katawan ko noon pa man. May brain cancer ako. At malala na iyon.
Tanggap ko naman na may ganito akong sakit. Ganun talaga. Kung ang ibig sabihin man nitong sakit na ito ay pagkamatay, tanggap ko iyon. Lahat naman ng tao dadaan diyan eh. Ang kaso, una-unahan nga lang. Swerte mo ‘pag nauna ka, sabi nila, ibig sabihin, hindi ka masamang damo. Kaya naman yung iba, pinipiling maging masama, para daw tumagal sila sa mundo. Iyon na ang pinaka-corny na joke na narinig ko.
“Haaaay, Midori. Bakit ba masyado kang optimistic?” tanong ko sa sarili ko na kahit ako ay napatawa. Kung ibang tao siguro, nagwawala na sa mga panahong ito dahil sa may ganito silang kalagayan.
Pero bakit naman ako magwawala?
Kumpleto at masaya ang pamilya ko. Hindi na nagtatrabaho si Papa at Mama dahil sinusuportahan na sila ni Kuya Avril. Si Kuya naman, kayang-kaya na niya ang sarili niya dahil mayaman na siya. Nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay at rest house. May tatlo na siyang kotse. Tapos ni-regaluhan na din niya ako ng kotse. Tinupad na din niya ang pangarap nina Papa at Mama na tumira sa Paris. Masaya na siya sa girlfriend niyang si Ate Flip at ilang buwan na lang ay ikakasal na sila. Si Jane naman ay may trabaho na rin, kaya na niyang mamuhay mag-isa kahit pa namatay na ang Daddy niya. Sina Jane at Ate Flip na rin ang sumusuporta sa Mommy nila.
Wala na kong problema. Madali nang iwan ang lahat ng bagay.
“Kung mapabayaan natin ang sakit mo, anytime pwedeng kumalat ang cancer cells. At ang mahirap pa, nasa utak mo na sila, Midori. Kung ngayon, nahihilo ka lang, hindi natin alam sa mga susunod na araw kung ano na ang pwedeng mangyari.”
Anong pwedeng mangyari? Ano nga ba? Hindi ko rin alam kung ano. Wala akong masyadong alam sa sakit ko.
“I suggest you stay here in this hospital, Midori, so we can observe you. We have complete facilities that can help you with your cancer. Tanggapin mo lang ng maluwag ang therapy at mga activities na gagawin para gumaling ka and everything will be fine.”
“But what if everything will not be fine?”
“Silly. Of course, magiging maayos ang lahat.”
“Paano nga po kung hindi?”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER ONE] Accepting...
Magsimula sa umpisa